Mapagtagumpayan ang mga pakikibaka ng pamumuhay sa pagitan ng dalawang kultura: James Mangohig

In Between Two

In between two cultures: writer, artist & producer James Mangohig (left) with rapper, writer, spoken word artist, multi-instrumentalist and producer Joel Ma Source: Kabuku Public Relation

Kinikilala ng Australya ang multikultural na lipunan nito ngunit para sa maraming mga Australyano lalo na sa mga ipinanganak sa pagitan ng magkaibang kultura, ang mga pakikibaka ay tunay kung ikaw ay naiipit sa pagitan ng dalawang kultura - isang katotohanan na alam na alam ng musikero, artist at producer Filipino-Australian James Mangohig.


Ipinanganak sa Australya ng isang inang Olandes at isang amang Pilipino, ang nominadong producer ng ARIA mula sa Darwin ay humarap sa ilang mga hamon ng pagkakaroon ng pinagmulang Asyano-Australyano habang siya ay lumalaki, ngunit ginamit niya ito sa kanyang kalamangan habang nagtrabaho siya nang husto sa kanyang karera sa paggawa ng musika at sa kinalaunan sa pagtanghal sa entablado sa pamamagitan ng pagkukuwento.
"I didn't want to be a 100% Filipino but I didn't want to be a 100% Australian either, and I think that around the age of 12 to 15, when you are first going through those changes as a teenager, I felt culturally a bit lost," ang pagbahagi ni James Mangohig.
James Mangohig
James Mangohig (Elle Wickens) Source: Elle Wickens
Ang kanyang mga personal na kuwento bilang isang bata na may dalawang kultura ay bahagi ng mga kuwento na ibinabahagi niya at ng kapwa niya hip-hop artist at founder ng award-winning hip-hop group, TZU, na si Joel Ma, sa kanilang mga manonoood sa kanilang pinalakpakan na produksyon na 'In Between Two'.

Ang "In Between Two" ay nagsasabi ng kani-kanilang mga kuwento ng pagiging kalahating Asyano, lumaki sa Australya, at pakiramdam na natigil sa pagitan ng dalawang magkaibang kultural.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mapagtagumpayan ang mga pakikibaka ng pamumuhay sa pagitan ng dalawang kultura: James Mangohig | SBS Filipino