Key Points
- Itinuturing na miyembro ng family unit ng may hawak ng student visa ay ang asawa o de facto partner ng aplikante na hindi bababa sa 18 taong gulang, nindi kasal na anak na nakadepende pa at wala pang 18 taong gulang.
- Lahat na mga miyembro ng family unit ay kinakailangang ideklara sa simula ng aplikasyon para sa student 500 visa, intensiyon mang sumama sa pangunahing aplikante sa Australia o hindi
- Ang mga miyembro ng pamilya ay dapat makapasa sa Genuine Temporary Entrant (GTE) criterion at patunayan na totoong nag-aaplay sila para manatili sa Australia bilang isang miyembro ng family unit ng pangunahing aplikante.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.