Paano ang proseso ng aplikasyon sa kabubukas lang na Skilled Migration Program ng Victoria?

mel.jpg

Flinders Street Station in Melbourne Source: Pixabay / Ralfskysegel

Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., tinalakay ang paraan ng aplikasyon para sa State Nomination ng Victoria.


Key Points
  • Layon ng Victoria Skilled Migration Program ay makahikayat ng mga skilled migrant para mapunan ang kakulangan ng manggagawa sa estado.
  • Ang State Sponsored visa ay maaring permanent (Subclass 190) o temporary (subclass 491) at sasailalim sa points test.
  • Mas pinalawig ang mga occupation para ngayong taon kaya mabuting tingnan kung pasok sa listahan ang nominadong trabaho.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Ang mataas na score sa points test at ang kaugnayan ng aplikante sa estado ang tinitingnan ng gobyerno ng Victoria sa pagpili sa Migration Program nito ayon sa Registered Migration Agent na si Em Tanag ng Bridges Immigration and Visa Services.

Kaya payo ng Registered Migration Agent na kumpletuhin ang dokumento at ilagay ang mga ebidensyang magsusuporta dito.

"The higher the points, the better. And also when you apply for your ROI, highlight your ties with Victoria like you can discuss that you study, work or live here in Victoria. Kung meron ka ding naging contribution sa kumpanya o sa estado, malaking bagay. It's worthwhile to put in your application." saad ni Ms. Tanag.
em.jpg
Registered Migration Agent Em Tanag Credit: Em Tanag
Ilan anya sa eligilibity upang makapag-apply ay may pagnanais na manirahan sa Victoria, ang edad ay below 45 years old, nasa minimum competency ang English skills, valid skills assessment sa occupation na nasa listahan at nasa 65 ang score sa points test.

Kung pasok sa mga requirements at kumpleto na ang dokumento ay maaring mag-apply ng Expression of Interest sa pamamagitan ng Skill Select.

Susunod na hakbang ay ang pag-apply ng Registration of Interest para sa Victorian nomination sa Live In Melbourne Portal.

Makakatanggap ng pormal na imbitasyon sakaling maimbitahan na mag-apply ng State Sponsored Visa.
PAUNAWA: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand