Key Points
- Bago makapag-apply sa ilang Australian visa gaya ng Skilled Independent (subclass 189) visa, Skilled Nominated (subclass 190) visa, at Skilled Work Regional (Provisional) (subclass 491) visa, kailangang magsumite ng Expression of Interest (EOI) para makunsiderang maimbitahang mag-apply.
- Kailangang makamit ang points criteria sa mga eligible occupation para maimbitahang mag-apply pero hindi ibig sabihin na makuha ang minimum na puntos ay may imbitasyon agad.
- Ilan sa mga mabibigyan ng puntos ang edad, karanasan sa trabaho, kwalipikasyon ng edukasyon at English language proficiency.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Ipinaliwanag ng Registered Migration Agent mula South Australia na si Edel Arvin Sy Chang ang proseso ng Expression of Interest at ang mga kaakibat na mga requirement.

Registered Migration Agent Edel Arvin Sy Chang