Paano kumuha ng Australian Citizenship by Descent kung hindi kasal ang magulang ng bata?

MICHELLE 1 (2).jpg

'Michelle' shares her experience of applying for his son's Australian Citizenship by Descent.

Sa episode na ito ng ‘Trabaho, Visa, atbp.’ ipinaliwanag ng isang registered migration agent kung ano ang Australian Citizenship by Descent at proseso nito.


Key Points
  • Hindi pa kasal at nasa de facto relationship si Michelle at ang kanyang Filipino-Australian na partner nang mabuntis at manganak ito sa kanilang anak sa Pilipinas.
  • Eligible ang isang aplikante sa Australian Citizenship by Descent kung ito ay ipinanganak sa labas ng Australya, ang kini-claim na descent ay magulang sa panahon na ipinanganak ang aplikante at isang Australian citizen, at may good character kung nasa 18 years old pataas ang edad.
  • Ayon sa Registered Migration Agent na si Teresa Penilla-Cardona, wala anyang limitasyon ang edad ng aplikante basta mapatunayan ang iyong claim pero payo niya na dapat na ihain na agad dahil metikoloso ang pagkuha ng mga dokumento.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino. 

Ipinaliwanag ni Ms. Teresa Penilla-Cardona na isang Registered Migration Agent sa Brisbane na kailangan ang aplikasyon ng Australian Citizenship by Descent alinsunod sa Australian Citizenship Act 2007 at Australian Citizenship Regulation 2015 policy and operational guidelines.
teresa.jpg
Brisbane-based Registered Migration Agent Teresa Penilla-Cardona
Idinetalye nito sa podcast ang proseso at mga dokumento na kakailanganin sa aplikasyon.

l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Paunawa:  Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand