Marami sa mga Pilipinong naninirahan sa Australia ang nagsisikap na makapag-ipon at makapagbigay ng magandang kinabukasan sa kanilang pamilya. Ngunit ayon sa legal expert na si Atty. Jesil Cajes, mahalaga ring paghandaan ang hinaharap sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Will.
Key Points
- Ang will ay legal na dokumento kung saan nakasaad kung sino ang tatanggap ng iyong ari-arian, pera at personal na gamit kapag ikaw ay pumanaw.
- Sa Pilipinas, awtomatikong may karapatan sa bahagi ng mana ang asawa at mga anak bilang mga "compulsory heirs", pero sa Australia ay mas malaya ang isang tao na pumili kung sino ang magmamana ng kanyang ari-arian sa pamamagitan ng will.
- Ayon kay Atty. Cajes, kung ang isang tao ay namatay nang walang Will, ang kanyang ari-arian ay ipapamahagi alinsunod sa mga batas ng estado o teritoryo kung saan siya naninirahan.
Ang Will and Testament ay huling habilin natin. Ito ang wishes mo, backed by the power of law.. Dito sa Australia, kapag ikaw ay may anak, asawa, superannuation, o kahit anong ari-arian, mahalaga na mayroon kang will.Jesil Cajes, Solicitor and Family Lawyer
Sa Episode na ito ng PANO BA, tinalakay kasama si Atty Jesil Cajes ang mga mahalagang batas tungkol sa estate planning.
Tinalakay rin nya kung ano nga ba ang mangyayari sa iyong mga ari-arian kung wala kang iniwang Will? Paano kung may mga anak o kamag-anak ka o tagapagmana na nasa Pilipinas? At paano mapoprotektahan ang iyong pamilya, lalo na kung ikaw ay nasa isang blended o remarried family?
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Ang impormasyong ibinahagi sa panayam na ito ay para lamang sa pangkalahatang kaalaman. Ang mga batas tungkol sa wills, estate planning at inheritance ay maaaring magkaiba depende sa estado o teritoryo sa Australia at sa indibidwal na sitwasyon ng bawat tao. Kung kailangan mo ng payong naaangkop sa iyong kalagayan, makabubuting kumonsulta sa isang kwalipikadong abogado o legal practitioner.





