Naranasan mo na bang mangutang para sa ibang tao gamit ang iyong pangalan? Paano kapag nauwi na sa hiwalayan o di pagkakasunduan ang inyong relasyon? May pag-asa pa bang masingil ang taong iyong tinulungan? Pakinggan ang payo ng Solicitor na si Atty. Florante Abad sa #MayPERAan.
Abangan tuwing Martes ang podcast series na May PERAan kung saan sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au
o mag-message sa aming Facebook page.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.





