Key Points
- Tatlong malalaking kaganapan ang binuo para sa 125th Philippine Independence Day harmonised celebration sa Victoria.
- Nagkaroon din ng diplomatic reception ang Philippine Consulate General Melbourne nitong Martes, ika-13 ng Hunyo.
- Nagbigay ng talumpati ang Consulate General Maria Lourdes Salcedo tungkol sa malakas na ugnayan ng Pilipinas at Australia.
Dinaluhan ng iba't ibang lider ng organisasyon at mga kinatawan ng gobyerno at partido ang Diplomatic Reception para sa 125th Philippine Independence Day.
Ginanap ang pagtitipon sa Victoria State Library noong ika-13 ng Hunyo kung saan nagpasalamat si Philippine Consul General Maria Lourdes Salcedo sa pagtugon sa kanyang panawagan na magkaisa ang komunidad ng Pilipino sa Victoria.

Narito ang mga larawan sa tradisyunal na pagtataas at pagwagayway ng bandila ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo para sa Araw ng Kalayaan na ginanap sa Federation Square, Melbourne.






