Ilang oras pagkatapos makalapag sa Brisbane, ang WBO World Welterweight Champion na si Manny Pacquiao ay dumalo sa isang nagsisiksikang serbisyo ng simbahang Pentacostal sa silangang arabal ng Brisbane.
"Ang araw ng linggo ay araw ng panalangin," pahayag ni Pacquiao. "Ito ay araw para bigyan ng panahon ang Panginoon at magpasalamat sa lahat gn biyaya na ibinigay niya sa atin."
Sinabi ni Pacquiao na maaari pa siyang dumalo sa serbisyo sa araw ng Linggo pagkatapos ng Laban sa ikalawa ng Hulyo. " Ang simbahan ay prayoridad," pahayag niya.
Sa kanyang laban, sinabi ni Pacquiao na magkakaroon siya ng magaang sparring session bukas ng umaga.
"Si Jeff Horn ay mabagsik na kalaban. Siya ay walang talo at siya ay bata pa," ang pagsasalarawan ni Pacquiao sa kanyang katunggali.
Sa paglihis sa kanyang laban, tinaya ni Pacquiao na mananalo si Floyd Mayweather laban kay Conor McGregor sa kanilang laban sa Agosto dahil ito ay boksing at hindi MMA.
Panoorin ang media conference at pagbisita ni Manny Pacquiao sa simbahan: