Laban ni Pacquiao-Horn sa Brisbane? Dating Senador binatikos pamahalaan sa pagpondo nito

pacquiao

Source: AAP

Isang dating lider ng Australian Democrats at Senador ng Queensland ay binataan ang pang-estadong pamahalaan at konseho ng Brisbane sa nabalitang umanong bahagyang pagpopondo ng malaking laban ng tanyag na boksingerong Manny Paquiao at lokal na bayani, gurong-boksingerong Jeff Horn sa Brisbane sa Hulyo. Larawan: Manny Pacquiao, kaliwa, at Jeff Horn (Joann Jeogh/SBS/AAP Image/ AP Photo/Eugene Hoshiko and AAP Image/Dan Peled)


Sa social media, ipinahayag ni Andrew Bartlett ang kanyang pagtutol sa pag-iisponsor gamit ang pampublikong salapi at sinabing ang pulitika at seksis na pananaw ni Pacquiao, na isa ring Senador sa Pilipinas, ay hindi dapat suportahan

 

Naniniwala siya na ang salapu ay mas mabuting gastusin na lamang para tulungan ang estado na bumabawi pa lamang mula sa paninira ng Cyclone Debbie.

 

Ang laban ni Pacquiao-Horn sa Brisbane ay una nang na-i-plano ngayong Abril subalit ang mga promoter ni Pacquaio na naisip na gawin ito sa Gitnang Silangan para sa mas malaking pag-isponsor. Subalit, hindi rin ito nagtagumpay

 

Subalit, di naabot ng mga promoter ang salaping hinahangad ni Pacquiao kaya't lumitaw rin ang mamaaring laban sa ibang boksingero na gaganapin sa gitnang Silangan. Pero, hindi rin ito natuloy.

 

 

Humingi ng puna ang SBS Filipino Program sa upisina ni Senador Manny Pacquiao. At sinabi ng isang staff na di pa rin nila tiyak kung tulo nga ba ang laban sa Hulyo. Bukod dito, hindi pa tumtutugon ang upisina






Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Laban ni Pacquiao-Horn sa Brisbane? Dating Senador binatikos pamahalaan sa pagpondo nito | SBS Filipino