Hati ang mga naging reaksyon ng mga nanood at sumuporta sa naging laban ng mala-alamat na Pilipinong kampeon sa boksing na si Manny Pacquiao nang mahirang na panalo ang Australyanong si Jeff Horn para sa WBO World Welterweight title. Larawan: Mga taga-suporta ni Pacquiao bago ang laban noong nakaraang araw ng Linggo (SBS Filipino)
Hindi makapaniwala ang ilan sa unanimous decision o walang tutol na desisyon ng mga hurado, na si Horn ang panalo sa naging laban ng dalawa noong nakaraang araw ng Linggo.
Nagmula din sa General Santos City at taga-suporta ni Pacman, dismayado si Miss Philippines 2016 Angela Leonidas sa 'unanimous decision', habang ang mahilig sa boksing na si Dido Bohol ay inasahan na ang resulta matapos na panoorin ang laban sa Brisbane mismo.

Narito ang ilang reaksyon ng mga taga-suporta ng boksing sa panayam nila Ronald Manila, Annalyn Violata at Mon Carpo.