Key Points
- TJ Monterde ay isang kilalang singer-composer ng kanyang mga sariling kanta mula sa Cagayan de Oro City at sumikat dahil sa madamdamin at relatable na musika.
- Pagiging 'authentic' at walang kapaguran sa pagsusulat ng kanta ang ilan sa susi ng kanyang tagumpay.
- Ikinasal siya noong Agosto 2020 sa isang sikat na singer-rapper at first season X-Factor Philippines winner KZ Tandingan.
"Never be scared to put your art out there, huwag magdadalawang isip, theres is always somebody who will listen, you record, write your songs and upload [social media is free] mayroong makikinig sayo just put your heart out," ito ang payong ibinahagi ni TJ Monterde para sa tulad niya noong nangangarap na maging kilalang singer-song writer, matapos muling bumisita sa Sydney, Australia para sa isang konsyerto kasama ang isang kaibigan at kilalang singer-song writer din na si Moira dela Torre.
Dagdag nito hindi madali ang landas na kanyang tinatahak pero dahil sa pagmamahal sa musika, hindi niya sinukuan. Itinuring din niya na isang malaking tagumpay sa kanyang karera ang mabigyan ng inspirasyon at pag-asa ang iba sa pamamagitan ng kanyang kanta.
'Yong nagme-message sa amin na , 'thank you for your music, maraming salamat po it s helping me a lot these days, even if it's not a hit song, I mean it is more than enough as long as you inspire others in the songs that you make para sa akin, yon ang greatest achievement ko always."

The wedding day of young Filipino singer-rapper KZ Tandingan and singer-songwriter TJ Monterde last 28 August 2020. Source: TJ Monterde/Facebook
Kwento ni TJ, bagama't pareho silang nagpe-perform walang nangyayaring kompetisyon o pressure sa kanilang buhay mag-asawa bagkus nagtutulugan sila para sa pagbuo ng magandang alaala.
"Mantra namin kahit hindi sa akin basta sa atin, its not about whoever has the win as long sayo yon tayo din naman dalawa yon, kung about pressure wala akong nararamdamang pressure , thats how she makes me feel.
Pag nag-tour siya minsan dun din ako sa backstage husband mode minsan naman pag-tour ko may times nandun sya ,make up artist , taga plantsa ng damit wife mode siya."
Umaasa si TJ na darating ang araw makasama niya ang asawang si KZ para sa isang konsyento abroad.