KEY POINTS
- Isang Social Media Summitang ang ginanap na pinangunahan ng New South Wales Government at Government of South Australia kasama ang mga akademiko, pulitiko at mga kabataan upang talakayin kung paano matutugunan ang negatibong epekto ng social media.
- Ayon kay Dr Jean Twenge mula sa San Diego State University, maraming datos ang nagpapatunay na ang social media ay nagiging dahilan ng depression, loneliness, anxiety, self-harm at suicide partikular sa mga nakakabatang kababaihan.
- Sinabi ni Federal Communications Minister Michelle Rowland na kapag napatupad ang ban, wala namang mga parusa sa kabataan at magulang. Aniya obligasyon ng mga plataporma na magpakita na gumagawa sila ng mga hakbang upang masigurong nasa lugar ang mga proteksyon.



