Key Points
- 1 sa 7 pamilya sa Australia ay walang kakayahan na makabili ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain o petrolyo.
- Humigit-kumulang 60,000 ang rehistradong kawanggawa sa Australia.
- Sa pagtaas ng demand ng tulong, ganundin ang pangangailangan para sa mga volunteer na tulad ni Myrvee Ortega.
Kawanggawa
Sa kabuuan ng Australia, humigit-kumulang 60,000 ang rehistradong kawanggawa. Ngayong Kapaskuhan, marami ang nagbibigay ng pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Pero bukod doon, marami din ang nagbibigay ng mga damit at mga laruan lalo na para sa mga bata.
Tulad na lamang ng charity na pinagboboluntaryuhan ng dating international student at ngayo'y 482 visa holder na si Mryvee Ortega.
Mga regalo
"Every Christmas, ang Barnardos Australia meron silang project na ang tawag nila ay Gifts for Kids."

"My kids are my inspiration that's why I volunteer to help disadvantaged kids in Australia. I want to show them the genuine love and care that my two boys are luckily experiencing from my family even if I'm away and have left them in the Philippines." Credit: SBS Filipino/A.Violata
Ang 'Gifts for Kids' ay isa lamang sa mga proyekto ng Barnardos Australia tuwing Pasko. Pero sa kabuuan ng taon, sila ay tumutulong sa mga pamilya para mapanatiling ligtas ang mga bata at mga kabataan at matigil ang cycle ng pagiging disadvantage.
"As a mother who left my two lovely boys, sila yung inspirasyon ko. Kasi para sa akin, maswerte ako na iniwan ko man sila, I have my family, my brother and my sister-in-law who look after them na parang anak nila ang turing."
Tunay na pagmamahal at pag-aaruga
Sa kanyang pagvo-volunteer, inspirasyon ni Myrvee ang kanyang dalawang anak na kanyang iniwan sa Pilipinas nang lumipat ito sa Australia bilang isang international student.
"Hindi naranasan ng mga anak ko iyong nakikita kong paghihirap ng mga batang nire-reach out namin dito."
Marami sa mga batang inaabot at tinutulungan ng charity organisation kung saan kabahagi si Myrvee ay nakaranas ng trauma, pang-aabuso at pagpapabaya.
"They have their own family with them and yet physically hindi sila naalagaan. Kaya naman 'yung genuine love and care na nararanasan ng mga anak ko, yun ang gusto kong ibahagi sa mga kabataan na aming tinutulungan."