Key Points
- Sa murang edad, naranasan ni Jason ang tinatawag na gender dysphoria kung saan hindi sya komportable sa kanyang unang kasarian na pagiging babae. Ayon sa Murdoch Children’s Research institute hindi ito isang problema sa mental health kundi normal na bahagi ng pagtuklas ng isang tao sa kanyang sarili
- Sinubukan ng mag asawang Levis na ihanap ng ibang eskwelahan si Jason dahil sa lumalalang bullying. Pero hindi naging madali ang paglipat at pagpili ng bagong paaralan na ligtas at may inclusive na patakaran sa batang transgender.
- Mahalagang bahagi ng buhay ngayon ni Jason ang social transitioning kung saan hinahanap nya ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang paligid sa kanyang bagong pangalan, kasarian at pagkatao.




