Key Points
- Sa bagong ulat ng Australian Institute of Health and Welfare, tinukoy nito ang 10 pinakakaraniwang sakit sa Australia.
- Ang mga malalang sakit gaya ng arthritis, asthma, kanser, sakit sa baga at mga kondisyon sa kalusugan ng isip ay talamak sa mga taong ipinanganak sa Australia, mga migrante mula Europa at ibang bansang nagsasalita ng Ingles.
- Malaking epekto sa kalusugan ng ilang komunidad ang pagbabago ng lifestyle at mga kasanayan base sa kultura.
Sa isang bagong ulat ipinapakita na ang ilang mga komunidad na mula sa iba’t ibang kultura at wika ay higit na apektado ng sakit.