Pagkakakulong at multa sa mga magbibigay ng maling impormasyon sa Border Declaration Pass

Police stop motorists

Police stop motorists crossing the Qld-NSW border to check to for permits Source: AAP

Bantay sarado ngayon ang mga otoridad sa mga border ng Queenland. Kung dati ay mahigpit, ngayon mas hinigpitan pa. Ito’y matapos makapagtala ang estado ng mga kaso ng COVID-19 ngayong nagdaang linggo.


Kabilang na dito ang tinaguriang trio, ang tatlong babae mula sa Melbourne na nagpositibo sa COVID-19 na kinilalang sina Olivia Winne Muranga, Diana Lasu at ang isa pang kasama nito. Bagamat nagnegatibo ang huli sa sakit ay nahaharap pa rin sa kaparehong kaso.

Nasa limang taong pagkakakulong at penalty na  $13,345 matapos nilang dayain ang border declaration pass.

Lahat ng tao ,maging bata man o may kapansanan (gurdian) at mga residente ng Queensland ay kailangang kumpletuhin ang Border Declaration Pass ng may katapatan bago makapasok ng Estado.

Itinaas na rin ang halaga ng penalty sa taong mapapatunayang nagbigay ng maling impormasyon na napapaloob sa Borders Direction, kung saan on the spot o sa mismong kinatatayuan ay  pagmumultahin ng $1,334  dollars o penalty ng korte na $13,054.

$4,004  dollars naman ang penalty sa mapapatunayang nameke ng Queensland Borders Declarion.

Ang sinuman na tatangi sa covid19 testing ay maaring mag self quarantine ng 10 araw, at kanya lahat ang gastusin.

Hindi naman kasama sa completion ng border pass ang mga maritime crew dahil hindi naman sila pwedeng bumaba ng barko, mga pulis, heath workers at mga ambulansya na may mga dalang pasyente.

Para sa mga galing Victoria na pupunta ng Queensland

Kung ikaw naman ay galing na Victoria o sa mga  COVID-19 hotspot areas, hindi ka maaring tumuntong ng Queensland kung hindi  sasailalim ng labing apat na araw na quarantine maliban na lamang sa ilang kadahilanan.

  • Una kung ikaw ay essential worker na kinilala ng  Chief Health Officer, tulad ng defense security gaya ng sundalo, emergency services, mga nagtatrabaho sa mga paliparan at mga manggagawa sa barko pero  kailangan pa rin nilang sumailalim sa mga restriksyon.
  • Gayon din ang mga magulang na may obligasyon sa anak o shared parenting  at mga taong kailangang dumalo sa mga pagdinig sa korte sa Queensland.
  • Hindi rin kasali ang mga taong aalis ng Australia na sasakay ng eroplano pero hindi sila maaring lumabas ng airport.
  • Kabilang din ang indibidwal na makakaranas ng mga banta sa buhay tulad ng sexual abuse, at domestic violence sa mga tahanan. Gayon ding ang mga estudyante na kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Queensland kasama ang kanilang mga guardian, pero kailangang sumailalim sa quarantine at sariling gastos.
Patuloy namang tinatanggap ng bansa  ang simumang citizen at residente ng Australia na nasa labas ng bansa tulad ng Pilipinas basta kailangang sumailalim sa labing apat na araw na quarantine.

Pagbisita sa mga aged care homes

Sa ibang balita ipinagbabawal na ang pagbisita sa mga aged care homes sa Southeast Queensland simula kahapon ng tanghali August 2, 2020 dahil sa panganib ng COVID-19.

Kabilang dito ang  Brisbane, Ipswich,Logan,Redland, Gold Coast at Scenic Rim. Isa kasing aged care worker ang nagpositibo sa sakit at nag trabaho ng walong oras.

Tanging mga taong may mahalagang papel sa naturang pasilidad  tulad ng mga trabahador at mga medical staff, gayon din ang mga taong kailangang pumunta sa kamag- anak na naghihingalo na.

Kailangan din magsuot ang surgical face mask ang mga taong papasok sa lugar, kung kinakailangan pinapayuhan din ang mga aged care operators na magtrabaho sa iisang istasyon lamang at hindi pauli uli.

Samantala, as of midday, August 2, nakapagtala ng isang kaso ang Queensland, sa kabuuan may anim na aktibong kaso, 1,085 na ang total na bilang ng tinamaan ng sakit, nasa 560,667 na ang kabuuang bilang ng mga sumailalim sa COVID-19 test.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagkakakulong at multa sa mga magbibigay ng maling impormasyon sa Border Declaration Pass | SBS Filipino