Key Points
- Isang rental affordability report na inilabas noong 2022 ang nagsasabing 58 percent ng mga low-income household o may mababang kita ang nakakaranas ng rental stress.
- Paglipat sa bahay na mas kaunti ang kwarto at pagrenta sa mas murang unit ang naiisip na paraan ng ilang Pinoy para makasabay ang budget sa mga gastusin.
- Nauna nang inanunsyo ng federal government na gagawin nilang prayoridad na aksyunan ang housing affordability o murang pabahay ngayong 2023 kasama ang planong makapag patayo ng 20,000 murang pabahay sa loob ng limang taon gamit ang $350 million na pondo .





