Key Points
- Inanunsyo ng gobyerno ang pagpapalawig ng post-study work rights para sa mga piling international students.
- Epektibo ang pagbabago simula sa ika-1 ng Hulyo 2023.
- May iba’t ibang pagbabago sa apat na stream ng Temporary Graduate Visa gaya ng Graduate work stream, post study work stream, second post study work stream at replacement stream.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Ipinaliwanag ng Registered Migration Agent na si PJ Bernardo na ang Temporary Graduate Visa subclass 485 ay karaniwang nagiging tulay ng mga international student sa iba pang skilled migration visa kung nais nitong maging permanent resident sa Australia.

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.





