Key Points
- Target ng Department of Tourism na gawing tourism powerhouse sa Asya ang Pilipinas.
- Bababa ang pasahe sa eroplano sa susunod na buwan (1-30 Abril) dahil sa pagmura ng fuel surcharge ng mga airlines.
- Aprubado na ang panukalang pondo para gawing climate resilient ang mga magsasaka o tulungan sila at ang kanilang produksyon na makatugon sa mga pagbabago sa lagay ng panahon.
Sa karagdagang balita,
Ipinasisiguro ng gobyerno ng Pilipinas na nakabatay sa pandaigdigang pamantayan sa pag-iingat sa mga armas nukleyar, ang plano ng AUKUS o Australia-United Kingdom-United States.
Pahayag ito ng Department of Foreign Affairs kaugnay sa inanunsyo ng Australia na planong pagbili ng 3 virginia-class nuclear submarine mula sa Amerika simula sa taong 2030.