Pamimingwit sa gilid-gilid, sikreto sa pagtitipid

Romie Padrones Rock fishing

Romie Padrones buhat ang isa sa nabingwit na isda. Source: Romie Padrones

"Nakakatipid din kami, kasi di na kami bumibili ng isda sa fish market, naka-save kami"


Highlights
  • Rock fishing ang paraan ng pamilya ng isang mekaniko sa Sydney na mag-bonding
  • Nakakatipid ang pamilya dahil di na bumibili ng isda sa fish market
  • Magandang experience, habang nagrorock-fishing makikita mo ang tumatalong mga dolphins at whales
“Parang reward ko sa the whole week sa pagtatrabaho , gustong gusto ko rock fishing addict ako sinasabi ng kaibigan ko  na  parang nangangati yung  kamay pag di nakapag fishing sa weekend.”

Limang araw  kung mag-trabaho bilang isang mekaniko si Romie Padrones, sa isang malaking trailer truck company dito sa Sydney Australia. At kahit higit dalawang dekada na nyang ginagawa ang pagkukulikot ng makina ng malalaking truck, aminado itong isang malaking hamon pa din na maitawid ang isang araw na trabaho.

Lalo pa’t di lang sa Australia tumatakbo ang kanilang mga saksakyan, merong ini-export sa ibang bansa. Kaya sa weekend, nasasabik syang makasama ang buong pamilya, para mag-rock fishing. Taong 2016, unang sumabak ito sa rock fishing kasama ang katrabaho .

Romie Padrones Rock fishing
Romie Padrones buhat-buhat ang nabingwit na isda. Source: Romie Padrones

 

 

Ang rock fishing ay isang pamamaraan ng recreational fishing kung saan umaakyat o kaya nakapatong sa mga malalaking bato ang mga anglers o mangingisda para makabingwit ng malalaking isda at ibang hayop sa dagat. Bagay na ,  na nagbibigay ng pambihirang karanasan sa mga namimingwit. Pero aminado si Romie may dala din itong peligro na pwedeng ikamatay.

Pamilyang Padrones nag-rock fishing.
Pamilya ni Romie Padrones nag-rock fishing. Source: Romie Padrones
“Delikado talaga sya pag hindi mo alam paano magbasa ng weather forecast noong nakarang buwan may namatay,  ano sunod sunod yon.. in  two years time pag-fishing ko naexperience ko ung ma-wash-out  di naman ako nahulog sa dagat pero muntik na,  lessons learned din sya."

Tubong Misamis Oriental sa Mindanao si Romie, may tatlong anak sa kanyang asawang si Fely. Higit sampung taon din syang nagtrabaho, sa isang malaking kompanya sa Cagayan de Oro City, pero dahil may ambisyon sya  para sa pamilya.

Kaya nagdesisyong   magtrabaho sa Singapore  bilang mekaniko sa  European car company sa loob ng  limang taon, na sya namang nagbukas  ng oportunidad na  makatungtong dito sa  Australia noong 2015. Taong 2017 naman ng makasunod ang buong pamilya.

“Medyo mahirap kasi ng ah dun sa amin tatlo ang anak namin syempre kailangan talagang ah may ipapaaral mo  yong anak mo tapos sysmepre mag rent pa ng bahay may kita naman sa Pinas  kaya tama tama lang ,  nakigpasapalaran dito sa  ibang bansa  kaya medyo  na-bless din."

 Dahil nawalay sa pamilya si Romie ng ilang taon . Ngayong magkakasama na silang muli, binabawi ni Romie ang panahong nawalay sya sa pamilya, na kadalasa’y sa  pamamgitan ng rock fishing.  Pero ang  di alam ni Romie kung di nakakasama ang asawa dahil sa trabaho, nababahala ito sa kaligtasan asawa.

 “Nung may experience na po ako tapos confident na ako sa rock fishing saka ko na sila sinama , dahilan rin bakit sinama ko na sila , kasi para  ma- expreiente nila ung experiece ko din, tapos ma-appreciate natin  ung environement , kasi minsan habang nagfishing  makikita amo yong dophins  tumatalon-talon  yong whales din,  fresh ung hangin , tapos pwede kang barbecue  parang picnic na din.“

 “Sabi ko Lord  tulungan mo asawa sya lang mag isa  nag fishing dun , walang  magbabanatay sa kanya ikaw na lang magbantay ,  kasi hindi  natin alam kasi ung  alon biglaan , baka mamaya eh may malaking alon ung tinatawag nilang king wave daw dito.”

Agad nagustuhan ng asawang si Fely ang rock fishing dahil nagkakaroon sila ng oras, para magkasama  di lang puro trabaho,  ganun din ang kanilang  tatlong anak na si Carl , Reese at bunsong si Nhellejye. 

“Ay iba talaga yung feeling. First time ko makahuli kinakabahan ako, umaalog tuhod ko pero masaya. Tapos nasa isip mo, ay may ulam na na isda, fresh pa at ikaw pa nakahuli. Masasabi ko talaga yan lang bonding sa iilang taon na nag OFW sya parang ngayon ko  lang  masasabi happy ako. Ang saya kasi nga yung time naming sa isa't-isa yung time nabuhuhos sa aming dalawa lang kasama yung anak naming syempre.
Pamilyang Padrones nag-rock fishing.
Carl Padrones buhat-buhat ang nabingwit na isda. Source: Romie Padrones
Bukod sa family bonding, dahil sa nahiligan na ng pamilya ang pamimingwit,  mula noon di na sila namili ng isda sa merkado, dahil ang mismong mga huli nilang  isda ang nagiging  masarap nilang  ulam.

“Kasi pag pumunta ka ng fish market tinitingnan mo yong presyo halimbawa yng bonito $18-$19. Mag-fishing na lang ako fresh pa, mag enjoy ka rin iba kasi pag fresh kasi nasubukan ko ung dati di pa ako nagfishing medyo may amoy durog durog na yong laman”

Romie Padrones Rock fishing
Pamilyang Padrones nag-rock fishing. Source: Romie Padrones
“ Nakatipid din kami kasi di na kami makabili sa fish market ng isda ano yong naka save kami”

Ipinagmamalaki naman ni Fely ang madiskarte nyang asawa.

“dear Salamat ha kasi ikaw yong binigay sa akin, hehehhe wala na akong masasabi sa kanya nasa lahat  na sa kanya, ang bait responsible Salamat kasi yong madiskarte sya sa buhay kahit sa konting bagay ginagawan  nya ng paraan , gaya ng magfishing sya gagawa sya ng paraan kung papano sya makahuli para may mauwi sya sa  anak nya ”

Payo naman ni Romie sa gusto sumubok ng rock fishing. Magsuot ng life vest at kailangang pag-aralan ang panahon bago mangisda.

“Mag download ng weather app  tapos night before kung  ano yun weather forecast  tapos  yong swell period  yon ung importante kung sa  tingin yong direction ng swell at height  tatama sa spot mong  pupuntahan ,  maghanap  ka ng ibang spot na tago sa swell direction. Sa mga kababayan , pag feeling na hindi ka komportable wag na lang may susunod pa naman na araw”

“Sa mga kababayan ,ko kagaya naming na mahilig sa isda try nyong mag fishing kmsa aasawa o anaka maganda talaga sa pamilya magbonding”

Pinakamalaking huli ni Romie ang isang Cobia o black kingfish  mula sa Port Stephen,  na higit isang metro ang laki at may timbang na 19 kilos. Pinakamalayong narating naman ng pamilya ang Rockhampton sa Queensland  para mag rock fishing, nasa timog na bahagi ng  The Great Barrier Reef   ang lugar dito sa Queesland, Austalia. Kung saan makikita ang libo libong species ng isda kasama ang mga naglalakihang sea mammals, ito din ang kilalang world’s largest reef system at kasama sa 7 Natural Wonders of the World.
Isdang nabingwit ng pamilyang Padrones.
Isdang nabingwit ng pamilyang Padrones sa rock fishing. Source: Romie Padrones
Kapag maraming huli, di nakakalimutan ng pamilya ang kanilang mga kapitbahay at  kaibigan, na makatikim ng preskong isda na bunga ng kanilang pagbonding sa rock fishing.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand