Sa episode na ito ng Trabaho, Visa atbp., ipinaliwanag ng Women Advocate na si Brenda Gaddi kung ano ang gender pay gap at bakit mahalagang malaman ito ng mga migranteng kababaihan.
Key Points
- Sa pinakahuling datos ng Australian Bureau of Statistics, bumaba ang gender pay gap mula 14% sa 13.3%, ibig sabihin sa bawat isang dolyar na kinikita ng mga kalalakihan, 87 cents lang ang sa kababaihan.
- Ayon sa Women Advocate na si Brenda Gaddi, dapat magsimula ang pagbabago sa polisiya sa pederal na lebel at may suporta ng pribadong mga sektor at ng publiko.
- Nagsasagawa ng survey ang grupong Women of Colour Australia lalo na sa mga migrante sa bansa kaugnay sa kalagayan ng mga kababaihan sa trabaho.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino, iginiit ni Brenda Gaddi, Founder at Managing Director ng Women of Colour Australia dapat na maging maalam ang mga migranteng kababaihan kabilang ang mga Filipina sa mga karapatan nito sa lugar ng trabaho.

Share





