Nais baguhin ng partido Greens ang kasalukuyang Migration Act na pinapahintulutan ang visa refusal sa isang tao na may mental o physical disability pati na ang kanilang pamilya dahil sila ay itinuturing na pasanin sa sistemang pangkalusugan ng bansa.
Key Points
- Ayon sa partido Greens, ang sistema ng migrasyon sa bansa ay may diskriminasyon at nagpapakita ng bias sa mga taong may kapansanan.
- Inilatag ng partido ang panukala sa pederal na parliamento upang hindi ma-deport ang mga migrante na may disability at mahirapang maprubahan ang permanent residency.
- Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Minister Andrew Giles na ang kasalukuyang health requirements para sa Australian migration ay hindi naaabot ang inaasahan ng komunidad kaya nakikipag-ugnayan anya sa mga eksperto at pinakikinggan ang mga nakaranas ng ganitong sitwasyon.
Share





