Naghain ng panukalang batas si Pampanga Cong. Gloria Arroyo na magpapahintulot sa mga dual citizen na humawak ng public office sa Pilipinas.
Key Points
- Inihain ni Senior House Deputy Speaker Gloria Arroyo ang panukalang mag-aamyenda sa 'Citizenship Retention and Re-Acquisition Act of 2003.'
- Kaakibat ng panukala ang amendment na pinatatanggal ang requirement para sa dual citizen na i-renounce ang kanyang foreign citizenship kapag naghain ng Certificate of Candidacy.
- Para kay Arroyo, kailangang bigyan ng patas na karapatan tulad ng mga Pinoy sa Pilipinas ang mga Filipino na may dual citizenship na makapagsilbi sa bayan.

Share





