Papayagan mo ba ang anak mong mag move out?

moving out from Filipino parents house in Australia

Source: Pexels

Pagpatak ng edad na 18, adult na ang turing sa isang tao sa Australia. Karaniwang nakakapagdesisyon na sila para sa sarili at umaalis sa poder ng magulang. Pero bakit hindi ito madaling gawin sa pamilyang Pilipino?


Highlights
  • Nasa kultura na ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng extended family
  • Para sa mga konserbatibong mga magulang, mas pipiliin nilang hindi bumukod sa pamilya ang kanilang mga anak
  • Ang ilan nama'y pinapayagan nilang bumukod ang kanilang anak para matuto silang tumayo sa sarili nilang paa
Likas sa mga Pilipino ang pagiging konserbatibo, sa ugali man o sa pananamit. Kaya't marami pa rin sa mga Pinoy na bagamat matagal nang dito na nanirahan ay tumatas pa rin ang kilay kapag pinag-usapan ang "moving out".

Ang pag-move out ay ang paghiwalay ng anak sa kanyang magulang kapag umedad ng 16 o 18 anyos pataas. Malakas kasi ang loob ng mga kabataan lalo na at may suportang pinansyal na  matatangap mula sa gobyerno.

Pananaw ng mga magulang

Tulad ni Maria Dela Peña na ika nga ng kanyang mga apo masayadong advanced ang kanilang lola kung mag-isip.

"Syempre, dala ko pa rin yung sa pagka-Pilipino, di ko maalis. At baka mamaya ay mapahamak."

Gayon din si Edna Briones isang Pilipina na nakapag asawa ng Australian. Payag ang kanyang asawa na mag move out para mag-aral sa isang unibersidad ang kanilang anak dahil iyon daw ang kaniyang kinagisnan. Pero dahil pusong Pinoy hindi niya ito pinayagan.

"Siguro mag-boarding house na lang sya pero hindi pwede na kasama ang girlfriend paano makaka-focus baka mabuntis pa yung girlfriend."

Para naman kay Edmond Sulit bagama’t dito na ipinangak ang kanyang mga anak ikinokonsidera  nila ang turo mula sa kanilang simbahan, tulad ng pagbabawal na makipag live-in sa boyfriend o sa girlfriend hangga't hindi kasal.

Pero payag naman daw sila na mag-move out ang kanilang mga anak kung pag-aaral sa unibersidad ang dahilan.

"Kung ano yung kinagisnan namin, yun din ang ituturo namin. Kami ang nasa bahay kami ang masusunod kami ang magulang."

Pananaw ng ilang mga kabataan

Si Paulina Macalintal na 35 anyos na ngayon naranasan niya na humiwalay sa magulang noong siya ay 17 anyos. Madami daw siyang bagay na natutunan.

"Being able to stand on my own two feet."

Pero hinanap pa rin niya ang kanyang ina lalo noong nabuntis siya ng kanyang kasintahan na kalaunan ay kaniyang naging asawa.

"Sabi nila, ginusto mo  yan panindigan mo. Dahil doon, mas nagiging strong ka as a person."

Ang 19 anyos namang si Janeth Perez hanggang sa pangarap na lang daw ang kayang planong pag-move out. Hindi kasi pwede wala kasing mag-aalaga sa kanyang lolo at lola.

Aminado siyang minsan tinatamaan siya ng inggit lalo na kapag nakikita niya ang mga larawan ng kanyang mga kaklase sa social media.

"Bibili ka ng sarili mong mga gamit sa apartment, nakakaingit siempre makikita mo na new face na ang bahay nila nang mag move out."

Gayun pa takot pa rin siya lalo na kapag dumating na ang kanyang mga bayarin.

"Mahal ng mga bilihin ang mga bayadin mo, naka moved out ka nga wala ka naman pambayad at pagkain anong kakainin ko? Si lola lagi pa naman ako nilulutuan, baka kainin ko nalang lagi sa fast food."

Iba naman ang pananaw ni Jamila Cuizon sa usaping moving out, bagama't 7 taong gulang pa lamang ang kanyang anak ngayon.

Bukod sa may tiwala siya sa kanyang anak, sisikapin niya na turuan ito habang bata pa. Para kung dumating ang panahon na mawala na sila mundo kaya na nitong mabuhay nang wala sila. Bilang isang Pilipinong matatag at Australiano na kilala bilang independent.

"Para ma-experience niya kung paano ang maging normal na bata kasi pinili namin na dito tumira dito,kung paano ko siya palakihin parang kalahati Pilipinas tapos kalahati parang dito  sa Australia."

Sa huli ano man ang maging desisyon, isa lang naman ang layunin ang matuto, maging responsible at tumayo sa sariling mga paa dahil dadating ang panahon na ang mga katagang ito rin, ang nais mong ituro sa iyong mga magiging supling.



 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand