Ibinahagi ng kasalukuyang pangulo ng Philippines-Australia Community of Tasmania (PACT) si Joey Ramirez ang natatanging katangian ng mga Pilipino sa Tasmania at ang diwa ng bayanihan na nagbubuklod sa komunidad para maitaguyod at maipasa sa susunod na henerasyon ang kultura at tradisyong Pilipino.
Key Points
- Ang unang presidente at founder ng PACT Inc. (Philippines-Australia Community of Tasmania) ay si Allanby Salter. Nagsimula ito noong 1976 bilang Philippine Cultural Society bago tuluyang naging PACT Inc. noong 1996.
- Sa Hunyo 13, 2026, ipagdiriwang ng grupo ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Ulverstone Rowing Club Hall, habang sa Hunyo 20 naman gaganapin ang Gala Night sa Wrest Point Casino sa Hobart, bilang makulay na selebrasyon ng kultura, pagkakaisa, at diwa ng komunidad.
- Ang ika-50 anibersaryo ng PACT Inc. ay isang selebrasyon na nagbibigay-pugay sa nakaraan, nagbibigay-inspirasyon sa hinaharap, at sama-samang bumubuo ng mas matatag na komunidad.


Kapag narinig kang nagsasalita ng Tagalog, Bisaya o kahit anong wikang Pilipino, agad kang lalapitan, kakausapin at iimbitahan lalo na kung bago ka pa lang. May mga pagkakataon pa nga na ipagluluto ka nila at tatanungin kung ano ang kailangan mo tulad ng trabaho o matutuluyan. Ganito ka-supportive at kainit ang komunidad dito, tunay na ramdam ang pagiging close at warm ng mga Pilipino.Joey Ramirez, President, PACT Inc.





📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




