Sa survey ng Social Weather Stations o SWS na ginawa nuong Disyembre, 2024 at inilabas ilang araw bago ang Valentine’s Day, lumabas na 46 percent o mahigit sa apat sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing “very happy” sila sa kanilang buhay-pag-ibig.
Key Points
- Nakita din na 36 percent ang nagsabing pwede pa silang maging mas masaya sa kanilang love life, habang 18 percent ang walang love life.
- Sa survey pa rin, 67 percent ng mga Pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng “acts of service” o paglilingkod o serbisyo.
- Habang 51 percent ang nagsabing ipinapakita nila ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng “words of affirmation,” at quality time.
Share





