Paraan ng pagboto para sa 2021 WA state general election, mas pinadali

Voting

Voting Source: SBS

Para sa mga boboto sa darating na WA state general election sa Sabado, mas pinadali ang paraan ng paghalal ng iyong napupusuang kandidato.


Highlights
  • Paraan sa pagboto para sa 2021 WA state general election, mas pinadali
  • Filipino student society sa Perth pinapatatag ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataang Pilipino hinggil sa Fillipino culture
Ayon sa Western Australian electoral commission, may limang mapagpipiliang paraan upang makaboto.

Una ay ang nakaugaliang postal voting kung saan makukuha ang mga ballot paper packages at ide-deliver mismo sa iyong address.

Pangalawa ay ang early voting in person hanggang ika anim ng Marso. Madali ito sapagkat hindi na kailangang magsumite ng aplikasyon kung pipiliin mo man ang paraang ito.

Ikatlo, ang mobile polling na naangkop lamang para sa mga botanteng nagtatrabaho sa hospital, aged care facilities, malalayong aboriginal communities, kasama na ang mga nagtatrabaho sa mining sites.

Ikaapat ay ang telephone assisted voting kung saan naangkop ito sa mga taong may kapansanan, may malabong paningin, at sa mga hindi makapag basa o sumulat.

At ang election day voting na nakatakda sa ika labing tatlo ng Marso. Ito ay magbubukas mula alas otso hanggang ala sais ng gabi sa lahat ng pitong daang polling places.

Hinikayat ng WA electoral commision na makaboto ang mga residente upang makapag halal ng karapat dapat na lider na mamumuno at kung may mga katanungan ay huwag mag atubiling bisitahin ang kanilang website sa elections.wa.gov.au 



 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Paraan ng pagboto para sa 2021 WA state general election, mas pinadali | SBS Filipino