'Pasko at Bayle sa Brissy 2022' isinagawa para matulungan ang mga nangangailangan sa Pilipinas

pasko at bayle-photo ops.jpg

Mga pamilya at myembro ng Filipino Australian Brisbane Society nagkaisa para sa Pasko at Bayle sa Brissy sa 2022 para makalikum ng pera at makatulong sa mas nangangailangan sa Pilipinas. Source: FABS Inc.

Ipinakita ng Filipino Australian Brisbane Society ang pagmamahal sa mga nangangailangan ngayong Pasko sa Pilipinas sa pamamagitan ng bayle o sayawan. Layon ng grupo na makapaghatid ng tulong sa mga nangangalaga sa mga indibidwal na may kapansanan at sakit.


Key Points
  • Sinimulan ng FABS ang Pasko at Bayle sa Brissy taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya.
  • Ang 'bayle' ay bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino tuwing may fiesta o pagdiriwang.
  • Zumba, ballroom dancing, fun games, produkto at pagkaing Pinoy, bida sa Pasko at Bayle sa Brissy 2022.
Dalawang taon ng isinasagawa ng grupong Filipino Australian Brisbane Society o FABS ang pinag-isa nilang Christmas Party at fundraising for a cause na tinawag na Pasko at Bayle sa Brissy 2022.
Pasko at Bayle-Dance session.jpg
Mga dance instructors naki-isa sa fundraising sa isinagawang Pasko at Bayle sa Brissy 2022. Source: FABS Inc.
Nagka-ideya ang organiser na si Janet Mckelvie na simulan itong gawin noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

"Maraming mga Filipino na uwing-uwi na pero may restriksyon pa kaya inisip namin ipadama sa kanila ang Paskong Pinoy habang nandito sa Australia," kwento ng organiser na si Janet.

Pasko at Bayle -Dance Instructors.jpg
Mga dance instructors na naki-isa sa fundraising. Source: FABS Inc.
Para maging masaya, inimbita nito ang mga dance instructor para ma-enganyo na makisaya at sumayaw ang mga dadalo.
Pasko at Bayle-Ballroom dancing.jpg
Pinay at Australian na award-winner ballroom dancers nagpamalas sa galing sa pagsasayaw sa Pasko at Bayle sa Brissy 2022. Source: FABS Inc.
At hindi lang ito para sa mga bagets dahil pinabilib ng mga 'young at heart' ang lahat matapos magpamalas ng kakayahan sa ballroom dancing.

Pasko at Bayle-Crowd dancing.jpg
Mga Pinoy nag-enjoy sa isinagawang Pasko at Bayle sa Brissy 2022 noong ika-10 Disyembre. Source: FABS Inc.
Napuno ng saya ang pagdiriwang dahil naki-indak sa tugtog ang mga dumalo.

Hindi rin pahuhuli ang mga produkto at pagkaing Pinoy sa pagdiriwang.

Pasko at Bayle  Filo Food.jpg
Pagkaing Pinoy ibinida sa pagdiriwang at fundraising. Source: FABS Inc.
Hindi lang mga Pinoy ang naki-isa sa pagdiriwang at sumuporta sa kawang-gawang ito, dahil kahit mga dayuhan, hindi nag-atubiling sumama sa pagdiriwang makatulong lang sa mga nangangailangan.
Pasko at Bayle -Supporters photo.png
(L-R) Bilang pagsuporta sa fundraising Johana at Darryl ipikinakilala ang clothing line at mga produkto ng Pinoy Kollective ibinida sa Pasko at Bayle sa Brissy 2022. Source: FABS Inc.
Sa katunayan, umaasa silang sa susunod na taon mas marami pa ang kanilang maaaring magawa para mas marami ang matutulungan sa Pilipinas.

Umaabot sa higit $5,000 ang nalikom na pera ng mga organisers at ayon sa mga ito, ipapaabot nila ito sa mga napiling benepisyaryo sa Pilipinas.

Kabilang sa mga matutulungan ng isinagawang 'Pasko at Bayle sa Brissy' ngayong taon ang T'boli Community Centre, Filipino Autism Movement, National Children's Hospital kung saan ang mga pasyente ay batang may malubhang sakit, kambal mula Bukidnon na may cerebral palsy, Aeta Community sa Pampanga, at Child’s Dream Foundation sa Baguio.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand