'Language barrier' hamong hinaharap ng mga doktor at pasyente

language barrier

If English is not your first language, a doctor's appointment can be difficult Source: Timur Weber/Pexels

Sa lumulobong bilang ng multicultural community sa Australia, umaabot sa 400 na wika ang ginagamit kaya isa sa malaking hamon na hinaharap ng mga pasyente at doktor ang 'language barrier'.


Pakinggan ang audio



Higit pa sa kanilang buhay ang pagmamahal ng mga magulang na sila Jerry at Ivy Villaveles sa kanilang anak na si Serena. Kaya bantay sarado sila sa kalusugan ng anak, subalit hindi maiiwasang nagkakasakit ito.

" Kung maaari lang hindi sya madapuan ng lamok kaya lage naka-mosquito repellent lotion at lahat ginagawa ko para maayos ang kanyang buhay, ganun sya kahalaga sa akin," kwento ng amang si Jerry.


Highlights

  • Bagong dating sa Australia kadalasan hindi na-diagnose o nasusuri ng tama ang sakit
  • Mga pasyenteng may ibang background ay karaniwang nakakakuha ng hindi tamang serbisyong pangkalusugan.
  • Sa 20 porsyento ng nagsasalita ng ibang wika sa Australia, umaabot sa 400 na ibang wika ang ginagamit, eksperto sinasabing malaki ang tulong ng interpreter o telephone-based service 

Villaveles Family in Australia
The Villaveles enjoyed the festival of lights 'Vivid' in Sydney. Source: Ivy Villaveles
Aminado ang mag-asawa kahit marunong magsalita at makakaintindi ng wikang Ingles, isang malaking hamon pa din ang pakikipag-usap sa GP o doktor.

"kapag kinagat sya ng lamok namamaga, kapag summer sobrang init madaling nilalagnat [Serena]. Nung may kabag sya, naku sinabi ko stomachache tapos sabay may aksyon ako, buti na lang na-intindihan din ng doktor."

At dahil first time mum, ilang beses rin na  pabalik-balik sa doktor si Ivy lalo't madaling nahahawaan ng sakit ang kanilang anak ngayong naiiwan ito sa childcare habang nagtatrabaho silang mag-asawa. 

Ideya ng mag-asawa bago pumunta sa doktor ay gino-google nito ang posibleng sakit ng anak o kaya magtanong sa kaanak at kaibigan.

"Nakakatakot pumunta sa doktor dahil mahirap kailangan English yong terms paano ko i-explain sa doktor, pero inaalala ko ang kondisyon ng anak ko kaya pumupunta pa din ako wala akong choice."
The Villaveles in Australia
The Villaveles in Australia Source: Ivy Villaveles
Ang karanasan ng mag-asawang Villaveles ay naglalarawan sa tunay na estado ng mga bagong dating sa Australia, sa pakikipag-usap sa doktor lalo't  hindi first language ang wikang Ingles.

Ayon sa Australian Census 2022 lumulubo ang bilang ng multicultural community sa bansa, at kasabay nito ang pagtaas ng pangangailangan ng suporta para sa serbisysong pangkalusugan. 

Dagdag ni Therese Dickenson mula  Australian Bureau of Statistics higit nasa kalahati na ng populasyon ng bansa ay mga migrants.
Dr. Earl Pantillano
Dr. Earl Pantillano specialises in Family Medicine, Men's and Women's Health Source: Dr. Earl Pantillano
Paliwanag ni Dr Earl Pantillano isang GP na nagpakadalubhasa sa Family Medicine, Men's at Women's Health mahalaga na maintindihan ng mga doktor ang nararamdaman ng mga pasyente para sa tamang panggagamot.

"Malaking bagay kasi sa mga pasyente na ma-express  ang kanilang nararamdaman at ang epekto nito sa kanilang katawan, kung hindi loss in translation yon at malaki ang possibility na hindi sila magamot ng tama."

Dagdag nito problema ito na nararanasan sa mas nakakatandang myembro ng komunidad.

"Problema ito sa mga matatangda 60 to 70 years plus na hindi na gustong mag-aral ng English, at mga bagong dating dito. Nasa 10-15 % na pasyente pero mas na-highlight ang Filipino dahil naghahanap ng magta-Tagalog para hindi mahirapan."

Sa pakinabang ng lahat ng mga Filipino na bagong dating dito sa bansa. Ibinahagi ni  Dr Pantillano ang kilalang sakit sa wikang Filipino at ang katumbas nito dito sa Australia.

Lagnat laki

" Hindi lalagnatin kapag lumalaki ang nangyayari more likely ang bata ay may viral infection, mild fever kailangan natin alamin ano ang associated symptoms pwedeng Adenoviruses o Rhinovirus na mag cause ng mild fever."

Kabag

"Ang kabag sa baby o bata ay tinatawag na colic at sa matatanda  bloated, fratulence, indigestion kaya sumasakit ang tiyan parang maraming hangin sa loob ng tyan."

Pigsa

"Boil depende sa size ang medical term binabantayan natin kung carbuncle, furuncles depende na lang kung gaano kalaki, sabihin mo sa doktor na namamaga na may nana skin lesion, boil  o folliculitis."

Pilay

"Kapag nadapa  sinasabi ay  baka napilay.  Ang pilay ay fracture may namaga at  nabali na buto pero kahit hindi naman napilyan  o walang nabali na buto sprain pilay pa din sa atin."

Kurikong

" Ang equivalent  ng kurikong ay scabies na type of skin lesion, para syang chronic eczema or dermatitis dahil sa  sobrang kamot kumakapal ang balat nagmumukhang kurikong. Ang loss interpretation ng kurikong depende source etiologic agent,  infected ba sya, irritated  dahil kinakamot o dahil may parasite sa balat na scabies kaya sya kumakapal"

Payo naman ni Dr Pantillano, kung hindi marunong magsalita ng Ingles, maaaring tumawag para magpabook ng maaga sa interpreter bago ang konsultasyon sa GP at ipaalam kung anong wika ang gagamitin.

"Bantayan ang paglaki ng mga bata kapag may bahid sa balat bantayan kung kumakalat, huwag hintayin na mapuno ang braso saka i-konsulta, kung hindi maintindihan  sabihin sa may lump o  rash at kunan ng picture para ipakita sa doktor paano nagsimula."

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand