Inakusahan ng Punung Ministro si Pauline Hanson ng "paggawa ng kung ano ang gusto ng mga terorista' matapos na manawagan ng Senador para sa isang "Muslim ban" o pagbabawal sa mga Muslim sa Australia kasunod ng pag-atake sa London. Larawan: Senador Pauline Hanson sa kamara ng Senado (AAP)
Inilarawan ni Malcolm Turnbull ang mga salitang "dangerous" o mapanganib, sa pagsabing, ang layunin ng mga terorista ay ang ituon ng mas malawak na komunidad ang kanilang pansin sa mga Muslim.
Share



