Key Points
- Maaring mapabilis ang citizenship ng mga foreign nationals na gustong sumali sa Australian Defence Force matapos ang 90 araw sa serbisyo.
- Mauuna itong buksan para sa mga New Zealanders ngayong July 1 bago buksan sa lahat ng permanent resident mula Enero ng sunod na taon.
- Umaasa si Defence Personnel Minister Matt Keogh na mapapataas nito ang bilang ng mga bagong recruit dahil kailangan pa nila ng nasa 4,500 na tauhan.