Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Rights advocates isinusulong ang pagpapatupad ng pay equity policy para tuldukan ang gender pay gaps

Wage Inequality

Two piggybanks, male and female with the male in the foreground symbolising a gap in wages for men and women. Source: iStockphoto

Isinusulong ngayon ng mga tagapagtaguyod ng karapatan ang pagpapatupad ng gender pay equity policy para matuldukan na ang hindi patas na sahod ng mga kababaihan ngayong ginugunita ang Araw ng mga Kababaihan.


Highlights
  • Sa datos ng Workplace Gender Equality Agency pinaka-apektado ngayong pandemya ang mga kababaihan.
  • Ang gender pay gap malaking epekto ito sa mga kababaihan lalo na silang hirap sa buhay
  • Mga advocates isinusulong ang gender pay equity policy sa mga kompanya para patas na ang pagbibigay ng sahod sa mga kababaihan

Pakinggan ang audio

Isinusulong ng pinaka-unang babaeng CEO ng Super Aware na isang malaking superannuation fund dito sa Australia na si Deanne Stewart na wakasan o mabigyan ng solusyon ang gender pay gap dito sa bansa.

Ang gender gap pay ay nangangahulugan kahit  parehong ginagampanan ng isang babae  at lalaki ang isang trababaho makakatanggap  pa din ng mas mababang sahod  ang babae kumpara sa lalaki.


 

 

Ayon kay Ms Stewart umaabot  sa  $125 bilyong dolyar ang pinamamahalaan ng kanilng fund ngayon  ng higit isang milyong  myembro  at karamihan sa kanila ay nasa public sector at higit 66 posyento sa kanila ay mga babae.

Kahit may mga pagbabagong  ipinapatupad sa  pambansang gender pay gap dito sa Australia sa nakaraang apat na dekada.

Sa datos ng  Workplace Gender Equality Agency  umaabot sa  22.8 per cent  ang gap nangangahulugan lamang ito na ang mga kababaihan ay nakakatanggap ng  kulang sa $25,000  na sweldo kaysa mga kalalakihan sa buong taon.

Sa ginawang pag-aaral ng Super Aware  nitong  buwan ng Enero hanggang Pebrero sa higit 1,500 na mga kababaihan tungkol sa usapin ng gender pay equity policies.

Higit limang daang sa kanila ang nagsabing hindi ipinapatupadd ang gender pay equity policies at karagdagang  44 percent naman ang nagsabing  walang alam kung  ang kanilang kompanya ay nagpapatupad ang ganitong patakaran.

At sabi ni Stewart ang resultang ito ay nakakabahala.

" Dahil sa gender pay gap naapektuhan ang financial security ng mga kababaihan, hanggang sa kanilang pagreretiro, at lalabas  na 50 porsyento na mababa ang kanilang matatanggap kumpara sa lalaking counterparts nila."

Ayon sa Pilipinong si Ness Gavanzo, na pinuno ng Gabriela Australia, mas dumarami ang humingi ng saklolo nitong panahon ng pandemya.

Taong 2018 pa ikinakampanya nito na baguhin ang family violence provision sa ilalim ng Migration Regulations  1994 , na isama ang mga temporary visa holders , at pahintulutang ang mga asawa nito ay magiging permanent resident nang hindi na kailangan ng visa sponsor kung ang taong ito ay mapang-abusong partner.

Dagdag nito sa panahon ng pandemya, maraming migrant na babae ang nakauwi o napilitang bumalik sa kanilang mapang-abusong partner para lang may visa.

Pahabol ni Ms Gavanzo, maraming mga babaeng  galing ibang bansa at biktima ng mapang-abusong partner dito,  ay hindi naisasali sa listahan ng gobyerno kaya kulang o wala silang suportang nakukuha  at kadalasa’y nalalagay pa sa panganib ang kanilang mga buhay.

At kasabay ng temang “ International Women's Day in 2022, gender quality today for a sustainable tomorrow", ayon kay Ms. Gavanzo ang pagkakataon na magkaroon ng boses at mabigyan ng karapatang mabuhay ng ligtas para sa kanilang kinabukasan ay nangangahulugan lang na  kahit saan sa mundo basta magkaisa ay may pag-asa.

"Ang Sisterhood o pagkabuklod bilang magkapatid ay nangangahulugan ng pagkakaisa  at pagtutulungan ng lahat ng kababaihan sa buong mundo. Dapat walang iwanan, isulong natin ang mga pagbabago para sa karapatan ng lahat ng mga kababaihan."

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now