Rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly sa Pilipinas, nagsimula na

Typhoon Goni battered Philippines

Typhoon Goni battered Philippines Source: Rep. Zaldy Co

Tiniyak ng Malacanang na makatatanggap ng mga relief supplies at iba pang tulong ang lalawigan ng Catanduanes. Pinaghahandaan naman ng mga lokal na pamahalaan ng Batanes at Cagayan ang epekto ng bagyong Siony na inaasahang magla-landfall ngayong umaga (Biyernes)


Highlights
  • Recovery efforts para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa Pilipinas, nagpapatuloy
  • Australia nagpadala ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Bicol
  • Isang Australian ang nasawi sa isang gyrocopter crash sa Cebu
Hindi pa nakaka-recover ang mga lalawigan sa katimugang luzon na hinagupit ng bagyong Rolly, isa na namang bagyo ang pinaghahandaan ng mga nakatira sa  luzon, partikular sa hilagang Luzon.


 

 

Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, nagtali na ng kanilang mga bahay ang mga residente duon, lalo na yung mga bahay na gawa sa light materials o sa kahoy. Naglagay pa raw ng window shutters ang mga residente

Sinabi pa ni govenor cayco na nakahanda na ang mga rescue equipment, mga sasakyan at iba pang heavy equipment, partikular para sa clearing operations

At hindi pa man tumatama ang bagyo, nagbigay na raw sila ng relief goods sa mga residente sa batanes.

Sa Cagayan Province, nakatali na ang mga bubong at bangkang pangisda ng mga nakatira sa tabing-dagat

Inihanda na rin ng lokal na pamahalaan ang mga rescue teams at ang mga equipment na kakailanganin sa rescue and disaster prevention and management, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng bagyong siony.

Nakahanda na raw ang bayan ng santa ana, cagayan sa posibleng flashfloods at storm surge

Iyan ang tiniyak ni Santa Ana Mayor Nelson Robinion

Sinabi naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba na naka-posisyon na ang mga tauhan ng provincial government.

Nakahanda na rin ang mga evacuation centers.

Sa mga lugar na tinamaan naman ng super typhoon Rolly tuloy-tuloy ang kanilang recovery program.

Sa Catanduanes na matinding hinagupit ng bagyong rolly, sinabi ni Catanduanes governor Joseph Cua na anim na tao ang kumpirmadong namatay habang tatlo ang nawawala.

Sa mga nasawi, sinabi ni Cua na tatlo ang naitala sa virac, isa sa San Miguel, isa sa Gigmoto at isa sa San Andres.

Isa ang nawawala habang tatlo ang sugatan.

Nakakatanggap naman daw sila ng tulong pero humingi pa rin si Governor Cua ng dagdag na assistance mula sa national government.

Tiniyak naman ng Malacanang na makatatanggap ng mga relief supplies at iba pang tulong ang lalawigan ng Catanduanes

Umabot na sa 1.4 na bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultura

Kahit papa’no, may cellphone signal na raw sa virac.

Pero malaking problema pa rin ang supply ng kuryente dahil siyamnapung porsyento ng mga poste ng kuryente duon ang pinatumba ng bagyo.

Ayon sa national disaster risk reduction and management council, nananatili sa dalawampu ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng super typhoon rolly.

 

Samantala, nakiisa ang bansang australia sa pilipinas sa pagtayo mula sa epekto ng bagyong rolly.

Nakiramay si australian ambassador to manila, steven robinson, sa mga namatayan sa bagyo at sa mga dumanas ng pinsala nito

Nagpadala rin ang gobyerno ng australia ng tulong para sa isanglibong pamilya sa bicol region- ito ay kinabibilangan ng mga sleeping, hygiene at emergency shelter kits.

Ipinadala ito sa philippine red cross para maipamahagi, at tinawag ni ambassador robinson sa kanyang tweet na “mateshipandbayanihan.”

 

Samantala,

Bumagsak ang isang maliit na eroplano  sa argao, cebu

Patay ang australian national na sakay at may-ari umano ng eroplano.

Kinilala itong si forres kualey, animnapu’t limang taong gulang at may asawang pilipina

Ayon sa argao, cebu police, bumagsak ang maliit na eroplano na tinatawag ding “gyrocopter” habang isinasailalim ni kualey sa test flight

Bagong dating daw ang gyrocopter.

Batay sa pagsisiyasat, tumama sa pader ang gyrocopter pagkatapos nitong mag-take off sa runway sa bukid na pag-aari din umano ng australian national

“dead on arrival” si kualey sa ospital sa argao.

Ayon sa mga pulis, may dalawampung gyrocopters si kualey na pinauupahan niya sa halagang tatlonglibong piso bawat oras.

 

Sa ibang balita,

Inaasahang masisimulan na ang pagbabakuna kontra covid-19 sa pilipinas sa mayo ng susunod na taon

Iyan ay ayon kay vaccine czar secretary carlito galvez junior.

Pero sinabi ni galvez na posibleng makaapekto sa schedule ng pagbabakuna ang bentahan nito sa world market at ang pag-apruba ng food and drug administration

Nasa dalawampu’t apat na milyong bakuna umano  ang planong bilhin ng gobyerno.

 

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand