DOH kinumpirmang isang Pinay ang namatay dahil sa COVID-19

DOH confirms second death due to coronavirus and the first Filipino to die from COVID-19.

DOH confirms second death due to coronavirus and the first Filipino to die from COVID-19. Source: TED ALJIBE/AFP via Getty Images

Kinumpirma ng DOH kahapon na isang Pinay na pasyente ang namatay sa Maynila dahil sa COVID-19.


Ayon sa datos ng DOH, ang anim napu’t pitong taong gulang na babaeng pasyente ay na-confine sa Manila Doctors Hospital.

Isa din siya sa labing anim na bagong kasong inanunsyo ng DOH kahapon.

Na-confine din ang kanyang pitumpu’t dalawang taong gulang na asawa sa parehong ospital dahil sa virus.

Sa ngayon, siya na ang pangalawang naitalang kamatayan sa bansa dahil sa COVID19 ngunit ang pinaka-unang Pilipinong namatay dahil sa virus.

Ayon kay health sec Francisco Duque III, nakuha diumano ng pasyente ang virus sa pamamagitan ng local transmission.

As of Wednesday, nakapagtala ang Pilipinas ng 49 o apatnapu’t siyam na kumpirmasong kaso ng COVID 19.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand