Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Ilang botika sa Pilipinas nagtuturok na ng COVID-19 booster shots

Philippines COVID-19 booster shots now available in pharmacies

Rolling out of booster shots to the public via pharmacies and private clinics in Manila Source: PCOO

Umarangkada na ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa ilang botika sa Pilipinas. Layunin nitong mapabilis ang vaccination drive para sa 72.16 million na Pilipino


Highlights
  • Itinuturok ang booster shots laban sa Covid-19 sa mga piling botika at klinika sa Metro Manila
  • Mamamahagi ang Department of Health ng allowance para sa mga health care workers na tinawag na One Covid-19 Allowance (OCA)
  • Ilang grupo ng mangingisda, umalma sa planong pag-angkat ng Pilipinas ng 60,000 metric tons ng isda hanggang Marso

Sinimulan ngayong ika-20 ng Enero ang programa ng pamahalaan na “Resbakuna sa Botika”. Lumahok ang ilang malalaking botika at clinic sa Metro Manila sa pamamahagi ng booster shots sa mga mamamayan. Target ng mga botika na makapagturok ng 50-100 katao kada araw para sa mga edad disi-otso pataas.

Plano pang palawakin ang programa sa buong bansa sa mga susunod na araw.

 

Ayon kay Vince Dizon, Presidential Adviser for Covid-19 Response, kailangang magpa-rehistro para mabakunahan, pero kalaunan, tumanggap na rin ang mga botika at clinics ng mga “walk-in” na gustong magpabakuna.

Samantala, posibleng masimulan na sa unang bahagi ng Pebrero ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga edad lima hanggang labing-isa.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje,  sa huling Linggo ng Enero inaasahang darating ang mga bakuna ng Pfizer na nakalaan para sa mga nasabing edad.

Sa ngayon, prayoridad muna ang mga nasa Metro Manila at mga lugar na maraming tao dahil sa limitado pang supply ng bakuna para rito.

Sa ibang balita, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng mahigit isang bilyong piso para sa healthcare workers sa pribadong sektor at mga non-Department of Health plantilla personnel na hindi pa nakatatanggap ng Special Risk Allowance o SRA. Para din ito sa mga healthcare workers na direktang nag-alaga o nagkaroon ng contact sa Covid-19 patients.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now