SKIP TO MAIN CONTENT

‘Philippine Christmas Festival 2018’ magpapatuloy sa Tumbalong Park

Philippine Christmas Festival 2018
Source: PCCNSW

Kung nais mong maranasan ang paraan ng pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino, halina’t makibahagi sa ‘Philippine Christmas Festival 2018’ sa Tumbalong Park, Darling Harbour.


Published

Updated

By SBS Filipino

Source: SBS



Skip to podcast episode content

Kung nais mong maranasan ang paraan ng pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino, halina’t makibahagi sa ‘Philippine Christmas Festival 2018’ sa Tumbalong Park, Darling Harbour.


Ang dalawang araw na kaganapang ito na nagsimula kahapon ay magtatapos mamayang alas nuwebe ng gabi. Aasahan ng mga dadalo ngayong araw ang mas maraming ‘entertainment’, masasayang aktibidad at mga papremyo.

Nangako ang Philippine Community Council of New South Wales (PCCNSW) na dadalhin sa multikultural na Australya ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang pagkain, ‘entertainment’ at mga paligsahan na sinasalamin ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Sa panayam na ito, nakausap ng SBS Filipino ang bise-presidente ng PCCNSW, G. Alric Bulseco at mga nagboluntaryo mula Filomates upang magbigay impormasyon hinggil sa maagang Pamaskong pagdiriwang na ito.

Philippine Christmas Festival
Some performers and participants at last year's Philippine Christmas Festival Source: SBS Filipino

Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Stream now