Philippine Consulate sa Melbourne, opisyal nang bukas para magbigay serbisyo sa mga Pilipino sa Victoria

Philippine Consulate in Melbourne

Philippine Consul General in Melbourne Ms. Maria Lourdes M. Salcedo (middle) with Philippine Ambassador to Australia Ma Hellen De La Vega (2nd from left) Source: SBS Filipino/Maridel Martinez

Higit nang abot-kamay ang tulong at serbisyo para sa mga Pilipino na nakatira sa Victoria habang opisyal na binuksan ang opisina ng Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit 3 dekada.


 

Pangungunahan ng Philippine Consulate General ng Melbourne na si Maria Lourdes M. Salcedo ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga Pilipino na nakatira sa Victoria.

Handa na ang Konsulado sa Melbourne para sa mga konsular na pangangailangan ng mga kababayang Pinoy tulad ng pagkuha o pag-renew ng passport, birth certificate, police clearance at iba pa.

Highlight

  • Opisyal nang bukas ang Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne na makikita sa Collins street.
  • Maghahatid ng mga serbisyo kaugnay ng passport, visa, notaryo, dual citizenship at tulong sa mga mamamayang Pilipino.
  • Marapat na magpa-appointment bago magtungo sa Konsulado bilang bahagi ng pag-iingat kaugnay ng COVID-19.

 

Bukas ang Konsulado, na matatagpuan sa Collins street sa Melbourne, Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Para sa dagdag na impormasyon, makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Melbourne.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Philippine Consulate sa Melbourne, opisyal nang bukas para magbigay serbisyo sa mga Pilipino sa Victoria | SBS Filipino