Para sa mga kababayan natin na nagnanais bumiyahe mula Sydney at Melbourne, mayroong dalawang flights na lilisan ng Sydney sa ika 15 at 19 ng Mayo via Melbourne. Para naman doon sa mga babiyahe mula Brisbane, ang flight ay lilisan sa ika-16 ng Mayo.
Ang mga Australian citizens at permanent residents ay kinakailangan na mag-secure ng travel exemption mula sa Department of Home Affairs bago magbook ng flights. Para sa detalye, bisitahin lamang ang website ng Embahada ng Pilipinas.




