KEY POINTS
- Sa senatorial race, nangunguna sa partial count sina Christopher “Bong” Go, Bam Aquino, Ronald “Bato” Dela Rosa, Erwin Tulfo, at Francis “Kiko” Pangilinan. Para naman sa party-list groups, pasok sa top five ang Akbayan, Duterte Youth, Tingog, 4Ps, at ACT-CIS.
- Ayon sa COMELEC, may 311 vote-counting machines (VCMs) na kinailangang palitan dahil sa mga aberya sa pagbasa ng balota. Ilan ding poll watchers ang iniulat na lumabag sa patakaran sa pagboto, kabilang na ang reklamo sa maling pag-shade ng balota. Sa kabila nito, walang naiulat na botanteng na-disqualify o hindi nakaboto.
- Sa seguridad, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na 4 ang nasawi at 12 ang nasugatan dahil sa election-related violence. Gayunpaman, sinabi ng COMELEC na ito ang pinakatahimik na halalan sa nakaraang tatlong eleksyon, kung saan 34 na lugar lamang ang itinuturing na high-risk areas.
- Sa isyu ng vote buying, nakapagtala ang PNP ng 28 insidente na kinasasangkutan ng 68 indibidwal, kung saan 19 ang naaresto.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.