Ang 27 taong gulang na si Gabriel Amigo III ang nag-iisang representante ng Pilipinas sa Enduro World Series na gaganapin ngayong katapusan ng linggo ( Disyembre 2) sa Mt. Buller, Victoria.
Ang Enduro ay isang klase ng mountain bike racing kung saan inoorasan ang mga pababa at hindi ang mga paakyat. Ang mga rider ay inoorasan sa iba't ibang yugto na pangunahing pababa na may neutral na paglipat ng yugto sa pagitan. Ang mga yugto ng paglipat ay dapat matapos sa loob ng limitadong oras ngunit hindi bahagi ng akumuladong oras.
Ang biker mula sa Bislig City, Surigao del Sur ay umaasang matatapos ang dalwang araw na karera upang marepresenta niyang muli ang Pilipinas sa susunod na Enduro leg na gaganapin sa New Zealand.

Source: Gabriel Amigo

Source: Gabriel Amigo