Nakatanggap ang koponan ng Pilipinas ng ikalawang puwesto para sa "ethos of encouraging high quality work, emphasizes the value of others, and respects individuals and the community."
Ilang mag-aaral mula sa Grace Christian College na kabilang sa 43 koponan mula sa 21 bansa ang nagpakita ng kanilang galing sa larangan ng robotics sa FIRST (For Inspiration and Recognition of Science and Technology) Lego League Asia Pacific Open Championship 2019 na ginanap sa Macquarie University sa Sydney.

Philippine Robotics national team Gracean Whiz during their robot game competition (Felta MultiMedia) Source: Felta MultiMedia
Ang Gracean Whiz, isa sa dalawang koponan na kumatawan sa Pilipinas sa nasabing kumpetisyon, ay binubuo ng mga estudyante sa high school na sina: Alexis Diane Ngo, Kylie Danielle Sy, magkapatid na Ethan Russell Uy & Zoe Angeli Uy, Heart Bernice Tan, Gen Bernardine Dy, Denzell Robyn Dy, Arabelle Galupe, Ziyang Zhang at Chrysille Grace So.
Nakuha rin ng grupo, na pinangunahan ng mga coach na sina Arlyn Jordan at Warren John Ong Pe, ang ika-pitong puwesto sa Robot Game. Nakatanggap sila ng mga papuri para sa kanilang proyekto na "Infinity Board" na naglalayong makatulong na magkaroon ng ibang libangan ang mga astronaut sa pamamagitan ng portable tabletop board game system.

Philippine team Gracean Whiz presenting their one-board-infinite-games 'Infinity Board' project to the competition judges (Felta MultiMedia) Source: Felta MultiMedia
Samantala, ang Livingstone International School, isa pang grupo kumatawan sa Philippine Robotics Team, ay nakakuha ng parangal sa Teamwork-Core Values category.