Sa buong bansa, 52.1 milyong hektarya o 13.6 na porsyento ng lupaing pang-agrikultura ay pag-aari ng mga banyaga, kasama ang mga Pilipino, base sa rehistro ng Foreign Ownership of Australian Farmland na inilabas ng Pampederal na Pamahalaan. Larawan: isang tipikal na pang-agrikulturang lupain sa Australia (bukas sa publiko)
At karamihan o 88 porsyento o 45.8 milyong hektarya ng mga banyagang pag-aari ay ginagamit sa pag-aalaga at pag-paparami ng mga hayop. 1.5 milyong hektarya lamang o 2.8 porsyento ay para sa mga pananim.
Kinapayam ni Louie Tolentino si Professor Andrew Millington ng Flinders University School of the Environment research land ownership issues sa South Australia, para pag-usapan pa ang mga detalye ng pananaksik, kasama ang kagulat-gulat na kaalaman na ang mga Pilipino ang isa sa mga pinaka-malaking bilang ng mga banyaga na nag-mamay-ari ng mga lupain




