SONA 2019: Pangulong Duterte nanawagan na ibalik ang parusang kamatayan sa mga kaso ng droga at pandarambong

Duterte SONA 2019

Philippine President Rodrigo Duterte, center, delivers his 4th State of the Nation Address (AP Photo/Aaron Favila) Source: AP Photo/Aaron Favila

Nanawagan ang Pangulong Duterte sa mga mambabatas na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga masasangkot sa kaso ng droga at pandarambong.


Sa ika-apat na State of the Nation Address o SONA  ng Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niya na malaking problema pa rin sa bansa ang iligal na droga at katiwalian. Ito ay kahit nangangalahati na ang Pangulo sa kanyang anim na taong termino.

Dahil dito, nanawagan ang Pangulong Duterte sa Kongreso na muling buhayin ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen gaya ng pagkakasangkot sa droga at sa pandarambong.

"I am aware that we still have a long way to go in our fight against this social menace. The drugs will not be crushed unless we continue to eliminate corruption that allows this social monster to survive," sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati noong Lunes.

"I respectfully request Congress to reinstate the death penalty for heinous crimes related to drugs, as well as plunder," dagdag ng Pangulo. 

Binanggit ng Pangulo ang katiwaliang nadiskubre sa Philhealth kamakailan, gayundin ang mga nahuling tiwaling tauhan sa mga pantalan at sa mga ahensya ng gobyerno.

"The recent uncovering of the massive fraud perpetrated against the public health insurance system proves that corruption is pervasive."

"I have fired or caused the resignation of more than a hundred officials and appointees of government without regard to relationship, friendship, and alliance. There is no sacred cow in my Administration."

Not ready for orphans and widows

Ipinagtanggol ng Pangulong Duterte ang magandang ugnayan ng kanyang administrasyon sa China at ang kanyang posisyon sa usapin ng agawan ng mga teritoryo sa South China Sea.

Sa kanyang SONA, sinabi ng Pangulo na hindi siya handang makipag-giyera sa China para sa mga pinag-aagawang isla. Sa halip, sinabi ng Pangulo na dapat na isulong ang diplomasya at pakikipag-dayalogo sa China.

"I am not ready or inclined to accept the occurrence of more destruction, more widows and more orphans, should war, even on a limited scale, breaks out," sabi niya.

Fishing deal with China

Tiniyak ng Pangulo na matapang niyang ipaglalaban ang soberenya ng Pilipinas sa mga inaangkin nitong isla sa South China Sea. Tinukoy rin ng Pangulo ang dahilan kung bakit niya hinahayaan ang mga Tsino na mangisda sa teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea.

"I was invoking 'yung traditional fishing rights. It is in that arbitral ruling. It is mentioned there that even before countries were in existence, people around an ocean or a lake had already been fishing there for generations. And that is why fishing rights are allowed."

Binanggit din ng Pangulo sa kanyang SONA ang nangyaring banggaan ng dalawang bangkang pangisda ng mga Pilipino at Tsino malapit sa Recto Bank kamakailan.

Fighting corruption

Sa iba pang isyu, tinukoy ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati ang limang ahensya ng gobyerno na nangunguna sa listahan ng mga inirereklamo ng taumbayan dahil sa kanilang palpak na serbisyo.

Ito ay ang Land Transportation Office o LTO, Bureau of Internal Revenue o BIR, Social Security System o SSS, Land Registration Authority o LRA at PAG-IBIG.

"I’ve been asking that from you since three years ago. ‘Pag hindi pa ninyo nagawa ‘yan ngayon, papatayin ko talaga kayo," banta ng Pangulo. 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand