Kinumpirma ng Hong Kong authorities nitong Miyerkules ang kanilang pinaka-unang kaso ng nasabing coronavirus.
Ibinalita na ang pamilya ng Chinese citizen na unang nag-positibo sa novel coronavirus sa Hong Kong ay lumapag sa Pilipinas, ala-una bente ng hapon nitong Miyerkules.
Sinabi ng Cebu Pacific corporate communications director Charo Lagamon na na-screen ang lahat ng pasahero at crew na sumakay sa flight 5J111 ng Bureau of Quarantine sa kanilang pagdating sa Manila ngunit walang na-hold.
Na-track din ng Philippine immigration ang pamilya ng lalaki na nagpositibo sa virus at patuloy na mino-monitor ang kanilang mga galaw.
Huwebes ay mas mahigpit ang passenger screening sa Ninoy Aquino International airport at sinuspende din ng mga airlines ang lahat ng mga flights para Wuhan City.
Nasa 17 ang kumpirmadong patay at mahigit 500 ang nahawa ng virus sa mainland China.