Isang Pinoy naka-recover mula sa COVID-19; 2 kaso naitala muli

If the majority is expected to recover, why is coronavirus considered dangerous?

Source: Getty Images

Iniulat ng Department of Health ang pinaka-unang Pinoy na naka-recover mula sa COVID-19 habang iniutos din ni Presidente Duterte ang isang 'enhanced community quarantine' bilang bahagi ng mas malawakang lockdown.


Mahigpit na ipinag-utos ang pananatili ng mga residente sa kanilang mga tahanan sa loob ng isang buwan.

Ang sinasabing 'enhanced community quarantine' ay ipinatupad sa Luzon hanggang adose ng Abril.

Samantala, ang mga taong kailangan bumyahe palabas ng Pilipinas ay binigyan ng 72 hours na umalis sa Luzon habang ang mga papasok na byahero naman ay maaring lumapag sa Maynila basta't di nanggaling sa mga bansang may COVID-19 infections.

Ayon kay Duterte, sususpendihin muna ang mga pampublikong transportasyon, mga trabaho sa pampubliko at pribadong opisina, maliban sa mga establishimentong naghahatid ng mga pangunahing produkto at serbisyo.

Kahapon, iniulat ng Department of Health na isang Pinoy na may COVID-19 ang naka-recover mula sa sakit, at siya pa lang ang pinaka-unang Pinoy naka-recover ayon sa tala ng bansa.

February 25 nang unang nakaramdam ng ilang sintomas ang pasyente na ngamula sa Pasay CIty.

Tinukoy ng DOH ang recovered patient bilang si case 14, isang kwarenta'y sais anyos na lalaki na nag-negatibo para sa COVID-19 ng dalawang beses.

Muli siyang na-admit noong asingko ng Marso sa Makati Medical Centre at nagpositibo sa sakit anuebe ng Marso.

Samantala, tumaas na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa 142 matapos nagkumpirma muli ang DOH ng panibagong dalawang kaso kahapon.

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand