Basurang papel umano ang ikatlong pinakamalaking pinagmumulan ng mga naka-kalat na basura sa buong mundo, habang may kakulangan naman ng suplay ng mga gamit tulad ng papel at lapis, sa mga pampublikong paaralan. Kung kaya sa taong ito, umisip ang koponan ng robotics ng Pilipinas at bumuo sila ng mga robot na gagawing mas kapaki-pakinabang ang mga basurang papel. Larawan: Ang puro babaeng koponan ng robotics ng Pilipinas na Ubuntu Imagineers (Facebook/Mylene Abiva)
Ang mga robot na ito ang ilalahok ng koponan ng Pilipinas para sa taong ito ng FIRST Lego League Asia Pacific Invitational na ginaganap sa Syndey hanggang ika-lima ng Hulyo.

Ibinahagi nina Dharenanne Escoto at Anne Margaret Recinto, dalawa sa sampung batang myembro ng koponan at ang kanilang coach na si Romyr Gimeno.

Share


