Key Points
- Naisara ang kasunduan sa pulong nina Foreign Affairs Undersecretary Maria Theresa Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong na bumibisita sa Pilipinas.
- Nakapaloob sa kasunduan ang pagpapahusay ng maritime communication mechanisms at ang patuloy na dayalogo at konsultasyon.
- Ito ang pinakamataas na antas ng pulong ng dalawang bansa mula nang mangyari ang mga agresibong pagtataboy ng mga barko ng China sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at sa iba pang bahagi ng West Philippine Sea ngayong taon.
Samantala, mainit na usapin pa rin sa mga Pilipino ang iringan sa teritoryo sa West Philippine sea
Mas nakararaming Pilipino na katumbas ng 64 percent ang pabor na magkaroon ng code of conduct na magsisilbing gabay ng mga bansang may inaangking teritoryo sa sSuth China Sea o sa West Philippine Sea.
lLmabas ito sa survey ng Pulse Asia nitong Mayo na nilahukan ng 1,200 respondents
61 percent naman ang nagsabing dapat alisin ng China ang mga barko ng Coast Guard at militia nito na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Naniniwala naman ang 49 percent ng mga Pilipino na dapat magbayad ng kaukulang danyos ang China sa pagkasira ng mga bahura sa West Phiilippine Sea.