Nagkasundo sa bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Takaichi Sanae na simulan na ang negosasyon para sa palitan ng classified military information ng kanilang defense authorities para sa pagpapaigting ng defense cooperation.
Key Points
- Sa karagdagang balita:
- Bigo pa rin ang mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG at National Bureau of Investigation na matagpuan si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
- Inihain na rin umano ng PNP sa Department of Justice ang rekomendasyon na paghahain ng reklamong Obstruction of Justice laban kay Senador Robin Padilla at sa limang iba pa.
- Tumangging magkomento at napangiti lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin hinggil sa nabanggit ng kapatid niyang si Senador Imee Marcos na posibleng hindi magkaroon ng eleksyon sa 2028 o ang tinawag na no el o no elections.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





