State of emergency, idineklara sa Pilipinas dahil kay 'Tino'; bilang ng mga nasawi o nawawala, sumampa sa 241

A woman walks along a mud covered street in the aftermath of Typhoon Kalmaegi in Liloan, in the province of Cebu on November 6, 2025. The death toll from Typhoon Kalmaegi in the central Philippines climbed past 100, as the devastating impact on Cebu province became clearer after the worst flooding in recent memory. (Photo by Jam STA ROSA / AFP) Source: AFP / JAM STA ROSA/AFP
Tinatayang halos 2 milyong residente ang naapektuhan ng bagyong Tino.
I dineklara na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ang State of Emergency sa buong Pilipinas matapos
ang matinding pananalasa ng Bagyong Tino o may
international name na Kalmegi na nag-iwan ang
hindi bababa sa 241 katao na patay o hinahanap pa.
Pinakamaraming nasawi sa Cebu kung saan mahigit
114 na katao ang namatay, karamihan ay lumubog sa
biglaang pagbaha. Aabot naman sa mahigit isandaan
ang hindi pa nakikita hanggang sa ngayon.
Tinatayang halos dalawang milyong residente ang
naapektuhan ng bagyo, kabilang ang mahigit 560,000
na pilitang lumikas. 450,000 naman sa kanila ang
kasalukuyang nasa mga evacuation center. Sa ilalim
ng state of emergency, bibilisan na ang paglalabas
ng pondo para sa emergency response at ang
pagpipigil sa overpricing at hoarding ng supply ng
mga pagkain. Samantala, lumabas na sa Pilipinas
ang Bagyong Tino at kasalukuyang nasa South China
Sea.











